11/07/2006

Pagmumuni-muni

Napansin ko lang na naging makasarili ang mga isinulat ko dito sa aking munting Blog. Wala na tungkol sa aking Inang Bayan... Siguro ito ay isang pangitain na minsan kailangan din natin ng pahinga sa mundo ng magulong politika... Nakakapagod na... Wala naman problema sa institusyon ng gobyerno, ang tanging nag papagulo lamang dito ay ang mga tao na bumubuo nito. Mga makasarili, mga mapagpanggap, at mga nagmamalinis... Halos lahat ganun, mapa-palasyo, mapa-senate or congresso at sa kahit anong ahensiya pa ng gobyerno maraming kawani ang nanduon lamang upang kumita ng pera, pagkakitaan ang iba at magkunwaring may nagagawa. Nag punta ako sa Senado nuong isang araw upang makinig sa kanilang pagpupulong... Isang malaking pagkakamali dahil lalo lamang akong nalungkot sa nakita at narinig ko. Maraming daldal na walang katuturan, mga Senador na nagpapanggap lamang, nung nawala na ang mga taga-media, lumitaw ang tunay na pagkatao nila. Kahit anong gara ng suot mo o titolo na idikit sa pangalan mo, wala kang kwenta kung wala ka namang nagagawa. Hindi lang yan sa senado, para sa lahat yan. Dito rin sa lugar na pinangtratrabahuhan ko... nakakalungkot, umaasa pa naman ako maraming maaaring gawin itong ahensyang ito ngunit mga tao dito trapo din naman. Nais kong makita ng resulta ng daldal nila...

Ngunit ang pagsuko ay isang bagay na sa ngayon ay hindi ko pa nais gawin. Umaasa pa ako na sa gitna ng kaguluhang ito merong liwanag na magbibigay gabay sa atin lahat. Sana lamang makita ko ito bago ako lumisan...

No comments: