8/23/2006

Angst

Ako ay isang "angst" na tinubuan ng tao
Nagpapanggap na mamuhay ng matiwasay
Nagpupumilit makibagay sa mundong ito
Umaasang humupa ang sama ng loob
Makamit ang katahimikang hinahanap

Nangangarap maging tunay na tao
na may pusong handang umibig ng tunay
makaramdam ng higit pa sa galit
makaranas ng ligaya sa piling ng iba
Na may kaluluwang naniniwala sa kabutihan
maintindihan ang likas na kaugalian ng tao
maintindihan ang takbo ng buhay na ito

Ang katagalahan ng buhay o ng mundo
sadyang napaka masalimuot
sadyang mapang-api kung minsan

Paano wawakasan isang hinagpis na pagbabahagi
isang awiting walang tunog o salita
isang pangarap na hindi makakamit

Malalim na pagtatanong mga binitawang ito
Mga salitang pilit iniluwal para marinig ng iba
Pilitin mong unawain dahil isa kang tao
Hindi ako katulad mo na malaya

Ako ay isang "angst" na tinubuan ng tao lamang...

No comments: